2 aktres, may silent gap pa rin

ANG pamilya kaya nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang peg nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado? One big happy family sina Ogie at Regine at ang ex-wife ni Ogie na si Michelle Van Eimeren and her present husband, Michael Furrow.

Magkakasundo rin ang mga anak ni Ogie kay Michelle na sina Leila at Sarah at Nate na anak nina Ogie at Regine.

10dennis jen patrick n nikka instagram copy

Nakatira na si Leila sa house nina Ogie at Regine.

Sa kaso nina Dennis at Jennylyn, maayos na rin ang samahan ni Jen and her ex-boyfriend, Patrick Garcia and his wife, Nika Martinez. Magkakasundo rin ang tatlong anak nila at ang anak nina Jen at Patrick na si Alex Jazz.

Nakaka-good vibes ang lumabas na picture na magkakasama sila. Mukhang naayos na nina Patrick at Jen kung anuman ang naging gusot sa kanila noon.

Good influence si Dennis kay Jen na kahit noon pa man ay malaki ang nagawa nito para maayos ang relasyon ni Patrick sa anak nila ni Jen.

May panahong ipinagkait ni Jen kay Patrick na makita o makapiling nito si Alex Jazz.

Tatay din kasi si Dennis, kaya naiintindihan niya ang nararamdaman ni Patrick. Kasundo rin ng anak niyang si Calix si Alex Jazz. Samantala, kaabang-abang ang mga kaganapan sa “Mulawin vs. Ravena” kung saan gumaganap si Dennis bilang Gabriel. Magsasanib-puwersa na sila ni sang’gre Pirena (Glaiza de Castro) para labanan ang Minokawa.

Put-on

Ipinagkikibit-balikat at tinatawanan lang ni Rocco Nacino ang intrigang ginagamit lang niya si Sanya Lopez para sa kanyang career. Put-on lang daw ang sweet-sweetan nila dahil magkasama sila sa “Haplos.”

Pinoprotektahan lang daw ni Rocco ang kanilang love team. Ayon sa ilang sources, hindi naman pinapaasa nina Rocco at Sanya ang kanilang fans. Wala silang inaaming may namamagitan sa kanilang relasyon.

Kung kapani-paniwala ang sweet moments nila sa “Haplos,” acting lang ‘yun.

Di pa ayos

Obvious na hindi pa rin naaayos ang gap nina Marian Rivera at Heart Evangelista. Hindi nag-promote si Heart ng “My Korean Jagiya” sa “Sunday PinaSaya” kungsaan host si Marian.

Si Lovi Poe na friend ni Heart, makapag-promote kaya ng “Woke Up Like This” sa “Sunday Pinasaya?”

comments

Source: Tempo

from 2 aktres, may silent gap pa rin

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s