‘Away’ kina Lea at Sarah, tinapos na ni Sharon

Ni NITZ MIRALLES

TINAPOS na ni Sharon Cuneta ang sitsit na may conflict sila ni Lea Salonga, na siya ang blind item ni Lea, sa post niya sa social media na, “Last na po ito para tapos na: Hindi ako ‘yung sinasabi ni Lea. Sorry, pero we are in touch, di kami masisira! End of issue.”

LEA AT SHARON LANG_please crop out bamboo copy

Pati ang isyu sa kanila ni Sarah Geronimo, tinapos na rin ni Sharon sa post naman niyang, “Just got your message, Sarah. Thanks so much bebegurl. Basta tayo alam natin ang totoo. The end na talaga ng issue na ito. Di talaga tayo pinababayaan ni God. Mahal kita.”

Kaya lang, mukhang hindi pa tapos para sa ilang fans nina Sarah at Sharon ang isyu dala ng post ni Sharon tungkol sa finals ng The Voice Teens na itinangging inisnab niya ang lahat nang manalo ang Team Sarah at si Jona. Ang feeling ng fans ni Sarah, sinisi sila ni Sharon sa pagkalat ng isyu, kaya nagkaroon ng kontrobersiya.

Para siguro hindi na lumaki pa ang isyu at balik-balikan ang mahabang post ni Sharon, dinelete niya ito. Hindi na namin nakita, pero may nakapag-save na ng kanyang post.

Anyway, masaya at nagpapasalamat si Sharon sa mga sumuporta sa first indie film niya at first time na pagsali sa Cinemalaya. Sold out ang tikets sa gala screening ng Ang Pamilyang Hindi Lumuluha noong August 8, sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Pati ang screening sa smaller theaters ng CCP, sold out din.

Sold out at pinipilahan din ang screening ng movie sa Ayala Malls. Pati ang kapwa artista ni Sharon, tumutulong sa pagpo-promote ng pelikula kabilang si Piolo Pascual. Given nang magpo-promote si Piolo dahil kasama ni Sharon ang trusted and long-time assistant niyang si Moi Bien.

Source: Balita

from ‘Away’ kina Lea at Sarah, tinapos na ni Sharon

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s