Awra, ‘di mapagana ang anting-anting

PURSIGIDO si Ving na ginagampanan ni Awra Briguela sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging superhero kaya patuloy niyang susubukang paganahin ang batong ipinamana ni Super Bing (Ellen Adarna) upang ganap siyang maging tagapagligtas sa Wansapanataym Presents: Amazing Ving ngayong Linggo.

Awra copy

Ipinagkaloob na ni Super Bing sa kanya ang mahiwagang bato nang matalo ito sa pakikipaglaban kay Reptilya (Bianca Manalo) kasama si Maskarada (Carmi Martin), ang ina ni Ving na pinasusunod ng halimaw gamit ang hipnotismo. Ngunit kahit taglay na niya ang bato, bigo pa rin siyang makapagpalit-anyo bilang tagapagligtas, kaya magpapatuloy sa paghahasik ng lagim si Reptilya at ang mga kampon nito.

Ngunit hindi inaasahang matatauhan si Maskarada at babalik ang alaala bilang Soffy. Dahil dito, pupuntahan niya ang kanyang naiwang pamilya upang makaligtas sa kasamaan ni Reptilya. Pero sa kasamaang-palad, masusundan siya nito at ilalagay sa panganib ang kanyang buhay.

Kaabang-abang ang kahahantungan ni Soffy sa kamay ni Reptilya at kung paano malalaman ni Ving na buhay pa pala ang kanyang ina. Kailan siya nakatakdang maging ganap na superhero?

Kasama nina Awra, Carmi at Bianca sa Wansapanataym Presents Amazing Ving sina Roderick Paulate, Ria Atayde, AC Bonifacio, at ang unang pagtatambalan nina Kisses Delavin at Marco Gallo mula sa direksiyon ni Alan Chanliongco.

Samantala, dahil sa mga kuwentong punumpuno ng aral ay halos dalawang dekada nang umeere ang Wansapanataym na laging nangunguna sa national TV ratings. Umaani ito ng mga parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies gaya ng Prix Jeunesse International Festival in Germany, KBP Golden Dove Awards, Gawad Tanglaw, PMPC Star Awards at Catholic Mass Media Awards.

Huwag palampasin ang kuwento ng katapangan at pag-ibig sa Wansapanataym Presents: Amazing Ving tuwing Linggo pagkatapos ng Little Big Shots sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Source: Balita

from Awra, ‘di mapagana ang anting-anting

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s