Ayen Munji-Laurel, limang buwang buntis

Ni: Nitz Miralles

“THANK you @dreamscapeph @ikawlangangiibigin_abscbn love you all.”

Ito ang post ni Ayen Munji-Laurel sa Instagram (IG), kasunod ng balitang pamamaalam niya sa Ikaw Lang Ang Iiibigin dahil sa kanyang kondisyon.

MICHAEL BING AYEN AT KIM copy

Five months pregnant si Ayen sa fifth child nila ng asawang si Franco Laurel. Kahit masakit sa kanya na iwan ang soap na napamahal na sa kanya, no choice si Ayen dahil mas priority ang kaligtasan ng baby na nasa kanyang sinapupunan. Sa December 12 manganganak si Ayen.

Gaya sa mga nauna niyang pagbubuntis, laging high-risk at most challenging kay Ayen physically at emotionally tuwing umaabot sa first trimester ng kanyang pagbubuntis. Pumayat siya, hindi makakain at madalas nagsusuka at napansin ng production people na nahihirapan na siya.

Nabanggit ni Ayen na sa crying scene nila ni Jake Cuenca, nag-hyperventilate at kinailangang i-check ang pulse rate na sumobra ang bilis. Kaya sa halip na hanggang nine weeks pa siya lalabas sa soap bilang si Victoria dela Vega, hanggang eight weeks lang siya umabot.

Pinasalamatan ni Ayen ang ABS-CBN at Dreamscape sa suporta sa kanya. “They were very, very supportive and very caring. They even had a medical team on board while I was taping. They also reduced my cut-off time from 2 a.m. to 12 midnight. They were very considerate. I couldn’t ask for a better team. Sobrang bait nila,” sabi ni Ayen.

Source: Balita

from Ayen Munji-Laurel, limang buwang buntis

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s