Ruru, namakyaw ng halik kay Solenn

KINANTIYAWAN namin si Ruru Madrid sa presscon ng Alyas Robin Hood 2 nang paulit-ulit siyang mag-goodbye kiss kay Solenn Heussaff. Kiss sa right cheek, kiss sa left cheek ang ginawa ni Ruru at twice pang inulit. Mabuti na lang at love siya ni Solenn na “baby boy” ang tawag sa kanya at hindi siya sinaway sa pamamakyaw niya ng halik.

Ruru Madrid (11) copy copy

Crush ni Ruru si Solenn, kaya triple ang tuwa niya na nakasama siya sa cast ng Alyas Robin Hood 2. Nakaka-inspire nga namang katrabaho mo ang crush mo. Baka nga sabay pa silang mag-taping.

Pareho silang hindi pa sumasalang sa taping. In fact, sa third week ng airing ng Alyas Robin Hood 2 pa lalabas ang karakter ni Ruru as Andres Silang na sabi sa press release ay adopted ni Edu Manzano. Pero lalabas yata na half-brother siya ni Dingdong Dantes at kung paanong nangyari ‘yun, panoorin ang action series na magpa-pilot sa Lunes (August 14), mula sa direction ni Dominic Zapata.

Habang hindi pa nagti-taping, tuluy-tuloy ang ensayo at training ni Ruru and whole week yata siya sa gym. Gusto niyang nasa kondisyon ang katawan niya sa rami ng action scenes na gagawin.

Siyanga pala, may gagawing pelikula si Ruru at matutuwa ang fans nila ni Gabbi Garcia dahil kasama sila sa cast ng MMFF entry nina Vic Sotto at Dawn Zulueta na The Love Traps. Next week na yata ang storycon nila at susunod na ang shooting.

Source: Balita

from Ruru, namakyaw ng halik kay Solenn

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s