Andrea Torres trabaho lang, walang personalan kina Dingdong at Marian

Ni: Nitz Miracles

MAGANDA ang dedma attitude ni Andrea Torres sa mga namba-bash sa kanya na in fairness, todo effort. Kung nakakasakit lang physically ang mga pamba-bash sa sexy actress, siguradong lumpo na siya o kaya’y puro bukol at nasa hospital na.

Ang ginagawa ni Andrea, mas iniisip ang blessings na dumarating sa kanya kesa isipin ang kanyang bashers.

Dingdong Dantes and Andrea Torres (2) copy copy

Nag-ugat ang todong pambaba-bash kay Andrea mula nang ma-link kay Dingdong Dantes na nakapareha niya sa Alyas Robin Hood 1 at dito uli sa Alyas Robin Hood 2. Binibigyan ng malisya ng iba ang mga eksena nila ni Dingdong na muling mapapanood sa Book 2 ng action series.

“Hindi ko inisip na hindi tanggapin ang role ni Venus sa Alyas Robin Hood 2 dahil sa isyu namin ni Kuya Dingdong.

Malaki ang naitulong sa akin ng show at ng role kong si Venus. Hindi nga namin pinag-usapan ang isyu ‘pag nasa set kami dahil sa trabaho ang focus namin. Matitindi ang mga eksena namin, hindi na kami nagpapaapekto sa mga tsismis,” pahayag ni Andrea.

Ayaw patahimik ng bashers ang isyu na pinagselosan ni Marian Rivera si Andrea sa Book 1 ng Alyas Robin Hood kaya extended na ito hanggang sa Book 2. Hindi nakikitang magkasama sina Andrea at Dingdong maliban sa wedding nina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan, pero wagas ang mga tsika sa kanilang dalawa.

“Hindi ko alam kung bakit nasasama ako sa mga ganu’ng isyu. Alam nating happy ang family nila. And I respect them, I respect the relationship. Kaya lang, ‘yun ang role ko at kung ano ang hingin ng script at ni Direk Dominic Zapata at kung ano ang kailangang gawin ng karakter kong si Venus, ‘yun ang gagawin ko,” sabi ni Andrea.

Nakadagdag sa usaping may isyu sa kanila ni Marian nang umalis siya sa Triple A management at solo nang magpa-manage sa GMA Artist Center. Hindi na sinabi ni Andrea ang rason kung bakit umalis siya sa kanyang talent management for seven years, basta maayos siyang nagpaalam.

“Mahirap ang desisyon, matagal kong pinag-isipan at ipinagdasal at kinausap ko ang parents ko. Nakakaiyak dahil seven years ako sa Triple A, ang importante, maayos akong nagpaalam at walang isyu, mga kaibigan ko pa rin sila,” pagtatapos ni Andrea.

Anyway, hindi lang ang pagpapaseksi ni Andrea ang dapat abangan sa Alyas Robin Hood 2 na magpa-pilot sa August 14, matitindi ang kanyang mga eksena rito. Nabanggit ni Direk Dom na may parachute scene si Andrea na ang suot ay super sexy one piece swimsuit. Siguradong maba-bash na naman ang dalaga lalo na ng mga maiinggit sa kaseksihan niya.

Source: Balita

from Andrea Torres trabaho lang, walang personalan kina Dingdong at Marian

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s