Kasal nina Anne at Erwan, nalalapit na

ERWAN AT ANNE copy

Ni NITZ MIRALLES

MALAPIT na siguro ang wedding nina Erwan Heussaff at Anne Curtis dahil binigyan na ng bachelor’s party ng kanyang mga kaibigang lalaki ang binata. Alangan namang bibigyan siya ng bachelor’s party ‘tapos next year pa ang kasal.

Kabilang sa nakita naming nasa picture ng bachelor’s party ni Erwan si Nico Bolzico, asawa ng sister niyang si Solenn Heussaff. Pawang foreigner friends ang kasama sa picture kabilang ang boyfriend ni Lovi Poe na si Chris Johnson.

Lumutang tuloy ang balitang sa December na ang kasal nina Erwan at Anne at sa New Zealand daw gagawin. Dahil wala pang announcement tungkol dito, hindi pa natin malalaman ang mga detalye.

Dalawang pelikula ang tinatapos ni Anne habang usap-usapan ang kanyang paglagay sa tahimik at isa rito ay ang Sid and Aya (Not A Love Story) na pinagtatambalan nila ni Dingdong Dantes. Siguro naman hindi pipigilan ni Erwan si Anne na ipagpatuloy ang pag-aartista kahit kasal na sila, kaya walang dapat ipangamba ang fans ng dalaga na baka magbabu na siya sa showbiz.

Source: Balita

from Kasal nina Anne at Erwan, nalalapit na

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s