Sanya at Rocco, ayaw kumpirmahin ang relasyon

Ni NORA CALDERON

INUURIRAT ng fans/netizens kung may relasyon na raw ba sina Sanya Lopez at Rocco Nacino. Kinikilig kasi sila sa sweetness ng relasyon ng characters nilang sina Angela (Sanya) at Gerald (Rocco) sa afternoon prime drama series na Haplos na mahal na mahal ang isa’t isa kaya naiinis naman sila sa pamimilit ni Lucille (Thea Tolentino) na ma-hook si Gerald na nalaman nitong mayaman pala.

Sanya & Rocco Rufo's copy

Katatapos lang mag-birthday ni Sanya at ipinost ni Rocco ang birthday gift niya sa ka-love team na isang Tea Cup poodle na kuha nang mag-dine in sila sa Rufu’s, ang restaurant ni Rocco along Timog Avenue, sa tapat ng GMA Network Center.

Pero ayaw pang mag-confirm sina Sanya at Rocco sa tunay nilang relasyon. NBSB (no boyfriend since birth) si Sanya at si Rocco naman ay wala pa ring bagong girlfriend after ng break-up nila ni Lovi Poe. Dating lang daw siya, no serious commitment.

Almost one year na nagkasama sa Encantadia sina Sanya at Rocco at gumanap bilang magnobyong Danaya at Aquil. Hindi natatapos ang telefantasya, tinawagan na sila ng GMA-7 para sa muli nilang pagtatambal Haplos, kaya nga tuluy-tuloy ang kilig ng fans nila.

Ang sagot ng dalawa nang tanungin kung may relasyon na nga ba sila, ini-enjoy lang daw nila ang more than a year na nilang pagsasama sa trabaho kaya comfortable na sila sa isa’t isa.

Nagkaroon sila ng love scene sa Haplos na lalong ikinakilig ng followers nila. Sinusubaybayan sila ng fans nila araw-araw, pagkatapos ng Impostora.

Source: Balita

from Sanya at Rocco, ayaw kumpirmahin ang relasyon

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s