Dingdong vs Coco sa primetime

Ni NITZ MIRALLES

KUMPIRMADONG itatapat sa Ang Probinsyano ang Alyas Robin Hood 2.

Kaya sina Coco Martin at Dingdong Dantes ang magkakasagupa sa ratings war simula bukas, ang premiere telecast ng book two ng action series ni Dingdong.

Untitled-4 copy

Naririto ang press dispatch na natanggap namin kahapon mula sa GMA corporate communication:

Mas aabangan gabi-gabi ang primetime block ng GMA dahil simula ngayong Lunes (August 14), mas pinalakas pa ang lineup nito.

Pagkatapos kasi ng 24 Oras, hindi na bibitaw ang viewers dahil sa pagbabalik ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes bilang Pepe sa Alyas Robin Hood 2 na doble at ni-level up na lahat, mula sa action, comedy, adventure at romance. 

Kasunod naman nito ang mas kapana-panabik na mga eksena sa Mulawin vs Ravena na pinangungunahan ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo. Mas tututukan ito ng viewers lalo pa’t may namumuo nang pagtitinginan kina Almiro (Derrick Monasterio) at Anya (Bea Binene) samantalang naging tao na pareho sina Lawiswis (Bianca Umali) at Pagaspas (Miguel Tanfelix) ngunit hindi nila maalala ang isa’t isa dahil tinanggal ang kanilang ugatpak.

Right after that ay ang finale week naman ng kilig series na I Heart Davao na talagang inaabangan dahil sa tambalan ng real-life couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana na grabe kung magpabaon ng good vibes bago matulog. Maghanda na sa mas maaaksyon at nakakakilig na weeknights, mga Kapuso!

Source: Balita

from Dingdong vs Coco sa primetime

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s