Thea at Mikoy, nagkaiyakan sa break-up

Ni Nora V. Calderon

TWENTY first birthday ngayon (August 13) ng Protegee grand winner na si Thea Tolentino. Maging masaya kaya siya kahit katatapos lang nilang mag-break ng kanyang dating boyfriend na si Mikoy Morales (dati ring Protegee finalist)?

After four years being together, bigla silang nag-break. Noong una nga, si Mikoy pa ang nagsabi na four years na sila ni Thea, pero nang tanungin kung wala pa silang balak mag-settle down, doon sinabi ni Mikoy na wala na silang relasyon, na ikinagulat ng mga kaharap niya.

THEA AT MIKOY copy

Kami raw ang unang nakapag-interview sa kanya tungkol sa issue, sa taping ng Pepito Manaloto, dahil nu’ng Saturday (August 5) lang naganap ang break-up nila — nang mag-usap sila at nagkapareho ng iniisip na kailangan nilang maghiwalay muna para lalong makapag-focus sa trabaho nila.

“Dumating po kasi kami sa point na may mga times na hindi na kami nakapag-uusap nang maayos,” kuwento ni Mikoy.

“Pareho kaming naging busy, nagkasunud-sunod ang taping niya, ako naman bukod din sa mga tapings, may mga gigs din ako kaya hindi kami talaga nagkikita. That time, si Thea ang unang nag-open up at nagkataon na ako rin naman ay may gustong sabihin sa kanya.

“Mahirap po, dahil wala naman kaming falling out of love, wala rin kaming third party. Basta realization lang na mas maggu-grow kami kung hindi muna kami magkasama. Kaya mutual decision namin ang paghihiwalay na ito.”

Hindi raw issue sa kanila ni Thea kung nagpapasexy man ang dalaga o may kissing scene sa soap na ginagawa. Parte raw iyon ng trabaho kaya wala silang problema pagdating doon. Hindi rin issue kung napagkakamalan o sinasabihan siyang beki, alam daw ni Thea at alam niya sa sarili niya na lalaki siya, nasanay na raw siya na madalas ay iyon ang role na ginagampanan niya, tulad nga sa Pepito Manaloto.

Inamin ni Mikoy na pareho silang umiyak ni Thea after ng decision nila.

Tamang-tama naman nang pagbalik namin sa GMA after ng taping, nakita namin si Thea na nag-guest sa Mars ng GMA New TV. Hindi naman siya tumanggi na makipag-usap sa amin at sinabi niyang magkausap nga sila ni Mikoy sa celfone at sinabing umamin na siya sa break-up nila. Inamin din niya na nagkaiyakan nga sila ni Mikoy.

“Siguro po, iyong fact na wala na siya na madalas na nagpapaliwanag sa mga bagay-bagay,” sagot ni Thea. “Marami po akong natutunan sa kanya, isa na rito iyong napaka-broadminded niya, sa kanya ko natutunan na mag-open up kung may problema, siya ang nasasabihan ko kung may problema ako.

“Naghiwalay naman po kami as friends at saka may circle of friends kami, kaya kung family dinner lang kami sa birthday ko, magkakasama rin kami kung magdi-dinner kami ng mga friends namin. P’wede ko pa rin naman siyang tawagan kung may mga bagay akong hindi maintindihan. Naghiwalay kaming friends.”

Paano kung may manligaw sa kanya, tatanggapin ba niya at kung may magustuhan namang ibang babae si Mikoy, okey ba iyon sa kanya?

“Magpapaligaw ako kung gusto ko siya, pero kung hindi ko siya type, ayaw ko. Si Mikoy, kung may magugustuhan siya, okey naman sa akin. No problem po iyon.”

Last year, seven months before her birthday nag-cool off sila, dahil may pinag-awayan sila, at nagkabati sila noong birthday niya. Hindi kaya maulit at muli silang magkabalikan?

“Ayaw po naming pangunahan ang p’wedeng mangyari. Pero kung iyon po ang gusto ni Lord, bakit naman hindi? Saka naghiwalay kami na love pa rin namin ang isa’t isa, wala pong nagbago doon. Siguro, gusto lang namin talagang maging libre muna sa isa’t isa. Open ang telephone lines namin kung mayroong dapat pag-usapan.”

Source: Balita

from Thea at Mikoy, nagkaiyakan sa break-up

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s