Atak, binibira ng fans ni Maine

Ni JIMI ESCALA

DAHIL daw sa panglalait niya kay Maine Mendoza ay walang tigil na batikos ang natatanggap ni Atak. Nagpadala raw kasi ng private message si Atak sa isa sa mga kaibigan niya sa Facebook na kasiraan kay Maine ang laman.

Nakalimutan daw yata ni Atak na malapit sa mga nagpapatakbo sa showbiz career ni Maine ang pinadalhan niya ng private message. Kaya kumalat at nakunan pa ng screenshots ang pakikipagpalitan ng mensahe ni Atak sa showbiz personality pa mandin.

Atak

Atak

Si Atak daw ang nagbitiw ng pahayag na kesyo hindi likeable si Maine kung ikukumpara kay Julie San Jose na bukod sa maganda at very talented pa. Nakarating agad kay Maine at sa mga taong malalapit sa aktres ang isyu.

Hayun, hindi pinatutulog ngayon si Atak ng sunud-sunod at walang tigil na pagbatikos at pati na sa text messages ay pinuputakti ang komedyante. 

May nagbanggit pa na since, ang TAPE ang nagma-manage sa career ni Maine at ito rin ang producer ng Sunday Pinasaya, dapat lang na tsugiin na agad si Atak sa Sunday noontime show.

Pero sa Instagram post ni Atak kamakailan, agad niyang itinanggi ang isyu. Hindi raw niya sinabihan ng “hindi likeable” si Maine. Ayon kay Atak, niretoke ang ipinakitang screenshots.

“Sa totoo lang, hindi po ako may gawa noon. May kung sinu-sinong gumawa ng paraan at niretoke niya at ginamit ang primary picture ko. Sana makarma ang gumawa noon. Sana naman, eh, huwag na kayong manira ng tao,” pakiusap ng komedyante.

Nakiusap si Atak na sana ay tigilan na ang pagkakalat ng naturang isyu dahil hindi naman totoo.

“Naku, bahala na si Lord sa kanila,” sey ni Atak.

Source: Balita

from Atak, binibira ng fans ni Maine

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s