Marian, sinorpresa ni Dingdong ng birthday party

Ni NITZ MIRALLES

BINIGYAN ng surprise birthday party ni Dingdong Dantes si Marian Rivera na nag-birthday last August 12. Sa Alba Restaurant na malamang sa branch sa Makati ginawa ang pa-birthday ni Dingdong sa kanyang wifey.

Nakakaaliw ang nakita naming picture dahil sina Marian at Zia ang nag-blow ng birthday cake at may “tukaan” portion pa sina Dingdong at Marian. Wala na yatang ginawa ang sweet couple na ito kundi mag-kiss.

Zia, Marian at Dingdong

Zia, Marian at Dingdong

Kabilang sa nakita naming bisita ni Marian sa surprise birthday party ang kani-kaniyang pamilya. Sa showbiz friends, nakita namin si Ai Ai delas Alas at fiancé na si Gerald Sibayan, sina Boobay, Roxanne Barcelo, Bettina Carlos, Ana Feleo, Chynna Ortaleza at Direk Mike Tuviera. Present din sina Bambi Fuentes at Rams David.

Samantala, unfair kay Dingdong at sa hard work na ginagawa at ibinibigay niya para mas mapaganda pa ang Alyas Robin Hood 2 kung napu-focus ang promo ng action series sa tsismis sa kanila ni Andrea Torres. Nalinaw na nina Dingdong at Andrea ang tungkol dito, pero tila hindi namamamatay at iingay pang lalo dahil sa mga eksena ng dalawa

Naikwento nga ni Rey Abellana na minsan, 24 hours nagti-taping si Dingdong at nabanggit ni Direk Dominic Zapata na ayaw magpa-double ni Dingdong lalo na sa mga eksenang sakay siya ng motorsiklo. Nababalewala ang pagod at dedikasyon na ito ng aktor dahil laging isyu sa kanila ni Andrea ang nababalita.

Anyway, ngayong gabi na ang premiere telecast ng Alyas Robin Hood pagkatapos ng 24 Oras. Susunod sa time slot nito ang Mulawin vs Ravena at ang I Heart Davao na last week airing na.

Source: Balita

from Marian, sinorpresa ni Dingdong ng birthday party

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s